Imperyo ng Roma
Ang imperyo ng sinaunang Roma. Noong kapanahunan ng mga Apostol, ang Imperyo ng Roma ay isa sa pinakamakapangyarihan sa daigdig. Sinasakop nito ang lahat ng nasa pagitan ng Eufrates, ng Danube, ng Rhine, ng Atlantiko, at ng disyerto ng Sahara. Naging isang suking bansa ang Palestina noong 63Â B.C., nang hinawakan ni Pompeius ang Jerusalem. Bagaman pinagkalooban ng mga Romano ng maraming pribilehiyo ang mga Judio, kinapootan ng mga Judio ang pamamahala ng mga Romano at nagpatuloy sila sa paghihimagsik.
Si Pablo, na isang mamamayang Romano, ay ginagamit ang Griyego, ang pinakakaraniwang wikang ginagamit ng imperyo, upang palaganapin ang ebanghelyo sa buong imperyo.