Kasalanan Tingnan din sa Karumal-dumal, Karumal-dumal na Gawa; Kawalang-katwiran, Hindi Matwid; Makasakit; Makasalanan; Marumi, Karumihan; Masama, Kasamaan; Paghihimagsik Sadyang di pagsunod sa mga kautusan ng Diyos. Siya na nagtatakip ng kanyang mga pagsalansang ay hindi giginhawa, Kaw. 28:13. Bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe, Is. 1:18. Mamamatay ang mga makasalanan, at maliligtas ang mabubuti, Ez. 18. Ang Kordero ng Diyos ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, Juan 1:29. Magpabinyag, at hugasan ang inyong mga kasalanan, Gawa 22:16. Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, Rom. 6:23. Sa nakaaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito ay kasalanan sa kanya, Sant. 4:17. Maaari bang gawin ninyong ako ay manginig sa paglitaw ng kasalanan, 2 Ne. 4:31. Sa aba nilang lahat na namatay sa kanilang mga kasalanan, 2 Ne. 9:38. Hindi sila makatitingin sa kasalanan maliban nang may pagkapoot, Alma 13:12. Huwag mong ipalagay na ikaw ay manunumbalik mula sa kasalanan tungo sa kaligayahan, Alma 41:9–10. Ang Panginoon ay hindi makatitingin sa kasalanan na may munti mang antas ng Ppapahintulot, Alma 45:16 (D at T 1:31). Walang kakayahan ang maliliit na bata na magkasala, Moro. 8:8. Ang magsisi, dapat magtapat at talikuran ng mga tao ang kanilang mga kasalanan, D at T 58:42–43. Mananatili ang mas malaking kasalanan sa kanya na hindi magpapatawad, D at T 64:9. Siya na nagkasala laban sa mas dakilang liwanag ay tatanggap ng mas malaking kaparusahan, D at T 82:3. Yaong tao na nagkasala ay mababalik ang dating mga kasalanan, D at T 82:7. Kung ating tatangkaing pagtakpan ang ating mga kasalanan, ang kalangitan ay lalayo, D at T 121:37.