Miguel Tingnan din sa Adan; Arkanghel Ang pangalang kilala si Adan sa buhay bago ang buhay na ito. Siya ay tinawag na Arkanghel. Sa Hebreo ang pangalang ito ay nangangahulugang “Yaong tulad ng Diyos.” Si Miguel, isa sa mga pangunahing prinsipe, ang dumating upang tulungan si Daniel, Dan. 10:13, 21 (D at T 78:16). Sa huling araw si Miguel ay tatayo, ang dakilang prinsipe, Dan. 12:1. Si Miguel, ang arkanghel ay nakipaglaban sa diyablo, Jud. 1:9. Si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakibaka sa dragon, Apoc. 12:7 (Dan. 7). Si Miguel ay si Adan, D at T 27:11 (D at T 107:53–57; 128:21). Si Miguel, ang arkanghel ng Panginoon, ay magpapatunog ng kanyang pakakak, D at T 29:26. Titipunin ni Miguel ang kanyang mga hukbo at lalabanan si Satanas, D at T 88:112–115. Ang tinig ni Miguel ay narinig na nakilala ang diyablo, D at T 128:20.