Pagpaslang Tingnan din sa Cain; Mabigat na Kaparusahan Ang pagkitil sa buhay ng isang tao nang labag sa batas at sinasadya. Ang pagpaslang ay isang kasalanang ipinagbabawal mula pa noong unang panahon (Gen. 4:1–12; Moi. 5:18–41). Sinuman ang magbubo ng dugo ng tao ay mabububo rin ang kanyang dugo sa pamamagitan ng tao, Gen. 9:6 (PJS, Gen. 9:12–13; Ex. 21:12; Alma 34:12). Huwag kang papatay, Ex. 20:13 (Deut. 5:17; Mat. 5:21–22; Mos. 13:21; D at T 59:6). Sinabi ni Jesus, huwag kang papatay, Mat. 19:18. Ang mga mamamatay-tao ay may bahagi sa ikalawang kamatayan, Apoc. 21:8. Kayo ay mamamatay-tao sa inyong mga puso, 1 Ne. 17:44. Sa aba sa mga mamamatay-tao na pumapatay nang sadya, 2 Ne. 9:35. Ipinag-utos ng Diyos na huwag pumaslang ng tao, 2 Ne. 26:32. Ang pagpaslang ay karumal-dumal sa paningin ng Panginoon, Alma 39:5–6. Siya na pumatay ay hindi makatatamo ng kapatawaran, D at T 42:18. Sinuman ang papatay ay isusuko sa mga batas ng lupain, D at T 42:79.