Kamunduhan Tingnan din sa Kapalaluan; Kawalang-kabuluhan, Walang Kabuluhan; Kayamanan; Salapi Masasamang hangarin at pagsisikap para sa kayamanang temporal at ari-arian samantalang kinaliligtaan ang mga bagay na espirituwal. Sapagkat ano ang mapakikinabangan ng tao kung makamtan niya ang buong daigdig at mawawala ang sarili niyang kaluluwa? Mat. 16:26. Inilagak ang kanilang mga puso sa mga walang kabuluhang bagay ng daigdig, Alma 4:8 (Alma 31:27). Isantabi ang mga bagay ng daigdig na ito, D at T 25:10. Ang mga puso ng tao ay labis na nakatuon sa mga bagay ng daigdig na ito, D at T 121:35.