Amos
Isang propeta sa Lumang Tipan na nagpropesiya mula noong humigit-kumulang 792 hanggang 740Â B.C. noong kapanahunan ni Uzzias, hari ng Juda, at Jeroboam, hari ng Israel.
Ang aklat ni Amos
Isang aklat sa Lumang Tipan. Marami sa mga propesiya ni Amos ang nagbababala sa Israel at sa mga karatig bansa nito na magbalik sa kabutihan.
Sa mga kabanata 1–5 ay tinatawagan ang Israel at mga karatig bansa nito na magsipagsisi. Ipinaliliwanag ng kabanata 3 na nagpapahayag ang Panginoon ng kanyang mga lihim sa mga propeta at na dahil sa paglabag, ang Israel ay mawawasak ng isang kaaway. Iprinopesiya sa mga kabanata 6–8 ang pagbagsak ng Israel maraming taon bago pa ang paglusob ng Asiria. Iprinopropesiya ng kabanata 9 ang pagbabalik ng Israel sa sarili nitong lupain.