Hebreo, Sulat sa mga
Isang aklat sa Bagong Tipan. Isinulat ni Pablo ang liham na ito sa mga kasaping Judio ng Simbahan upang hikayatin sila na ang pinakamahalagang bahagi ng mga batas ni Moises ay natupad kay Cristo at pinalitan na ito ng mas matataas na batas ng ebanghelyo ni Cristo. Nang bumalik na si Pablo sa Jerusalem sa pagtatapos ng kanyang pangatlong misyon (mga A.D. 60), nalaman niya na maraming kasaping Judio ng Simbahan ang sumusunod pa rin sa mga batas ni Moises (Gawa 21:20). Napag-alaman lamang ito sampung taon pagkatapos ng isang pagpupulong ng Simbahan sa Jerusalem na ang ilan sa mga ordenansa ng mga batas ni Moises ay hindi na kinakailangan para sa kaligtasan ng mga Cristiyanong gentil. Tila, pagkatapos noon kaagad sumulat si Pablo sa mga Hebreo upang ipakita sa kanila sa pamamagitan ng kanilang sariling banal na kasulatan at sa pamamagitan ng makabuluhang paliwanag kung bakit hindi na nila nararapat isagawa pa ang mga batas ni Moises.
Ipinaliliwanag sa mga kabanata 1 at 2 na si Jesus ay mas mataas kaysa sa mga anghel. Inihahambing sa mga kabanata 3–7 si Jesus kay Moises at sa mga batas ni Moises at nagpatotoo na siya ang mas mataas sa dalawa. Itinuturo rin dito na ang Pagkasaserdoteng Melquisedec ay mataas kaysa sa Aaron. Inilalarawan sa mga kabanata 8–9 kung paano inihanda ng mga ordenansang ibinigay kay Moises ang mga tao para sa ministeryo ni Cristo at kung paano si Cristo ang Tagapamagitan ng bagong tipan (Alma 37:38–45; D at T 84:21–24). Ang kabanata 10 ay isang masidhing paghihikayat sa pagsisikap at katapatan. Ang kabanata 11 ay isang talumpati sa pananampalataya. Ibinibigay sa kabanata 12 ang mga pagpapaalaala at pagbati. Isinasalaysay sa kabanata 13 ang marangal na katangian ng pagpapakasal at ang kahalagahan ng pagsunod