Kadakilaan Tingnan din sa Bayad-sala, Pagbabayad-sala; Buhay na Walang Hanggan; Kaluwalhatiang Selestiyal; Putong; Tao, Mga Tao—Tao, may kakayahang maging katulad ng Ama sa Langit Ang pinakamataas na kalagayan ng kaligayahan at kaluwalhatian sa kaluwalhatiang Selestiyal. Puspos ng galak sa inyong kinaroroonan, Awit 16:11. Sila ay mga diyos, maging mga anak ng Diyos—samakatwid, ang lahat ng bagay ay kanila, D at T 76:58–59. Tatanggapin ng mga banal ang kanilang mana at gagawing pantay sa kanya, D at T 88:107. Ang mga anghel na ito ay hindi sumunod sa aking batas; samakatwid, sila ay mananatiling hiwa-hiwalay at nag-iisa, walang kadakilaan, D at T 132:17. Upang matamo ang kadakilaan, dapat na magpakasal ang mga lalaki at babae alinsunod sa batas ng Diyos, D at T 132:19–20. Makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa kadakilaan, D at T 132:22–23. Pumasok na sa kanilang kadakilaan sina Abraham, Isaac, at Jacob, D at T 132:29, 37. Ibinubuklod ko sa iyo ang iyong kadakilaan, D at T 132:49.