Isang tao na tinawag at nangungusap para sa Diyos. Bilang isang sugo ng Diyos, ang isang propeta ay nakatatanggap ng mga kautusan, propesiya, at paghahayag mula sa Diyos. Ang kanyang tungkulin ay ipaalam ang kalooban at tunay na katangian ng Diyos sa sangkatauhan at ipamalas ang kahulugan ng kanyang pakikitungo sa kanila. Binabatikos ng isang propeta ang kasalanan at inihahayag niya ang kahihinatnan nito. Isa siyang tagapangaral ng kabutihan. May pagkakataon na ang mga propeta ay binibigyan-inspirasyon na maghayag ng mangyayari sa hinaharap para sa kapakinabangan ng sangkatauhan. Ang una niyang tungkulin, gayunman, ay magpatotoo kay Cristo. Ang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang propeta ng Diyos sa mundo ngayon. Ang mga kasapi ng Unang Panguluhan at ng Labindalawang Apostol ay sinustena bilang mga propeta, tagakita, at tagahayag.