Mapagaling o mapabuting muli, kapwa sa pangangatawan at espirituwal. Naglalaman ang mga banal na kasulatan ng maraming halimbawa ng mga kahima-himalang pagpapagaling ng Panginoon at ng kanyang mga tagapaglingkod.
Ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo, Ex. 15:26 .
Inilubog ni Naaman ang kanyang sarili sa Ilog ng Jordan ng pitong ulit at gumaling, 2 Hari 5:1–14 .
Sa kanyang mga latay tayo ay gumaling, Is. 53:5 (Mos. 14:3 ).
Sisikat ang Araw ng kabanalan na may taglay na kagalingan sa kanyang mga pakpak, Mal. 4:2 .
Pinagaling ni Jesus ang lahat ng uri ng sakit, Mat. 4:23 (Mat. 9:35 ).
Binigyan niya sila ng kapangyarihang pagalingin ang lahat ng uri ng sakit, Mat. 10:1 .
Sinugo niya ako upang pagalingin ang mga pusong sugatan, Lu. 4:18 .
Pinagaling sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kordero ng Diyos, 1Â Ne. 11:31 .
Kung naniniwala ka sa pagtubos ni Cristo, gagaling ka, Alma 15:8 .
Pinagaling niya ang bawat isa sa kanila, 3Â Ne. 17:9 .
Siya na may pananampalataya sa akin na mapagaling ay mapagagaling, D at T 42:48 .
Sa aking pangalan sila ay magpapagaling ng maysakit, D at T 84:68 .