Kaluwalhatiang Selestiyal Tingnan din sa Antas ng Kaluwalhatian, Mga; Buhay na Walang Hanggan; Kadakilaan Ang pinakamataas sa tatlong antas ng kaluwalhatian na maaaring matamo ng isang tao matapos ang buhay na ito. Dito mananahan ang mabubuti sa kinaroroonan ng Diyos Ama at ng kanyang Anak na si Jesucristo. Ang kaluwalhatian ng selestiyal ay isa, 1 Cor. 15:40 (D at T 76:96). Dinala si Pablo sa ikatlong langit, 2 Cor. 12:2. Ipinakita ang kaluwalhatiang selestiyal sa isang pangitain, D at T 76:50–70. Kung ang mga Banal ay nagnanais ng lugar sa selestiyal na daigdig, sila ay kailangang maghanda, D at T 78:7. Siya na hindi nagawang sumunod sa batas ng isang kahariang selestiyal ay hindi makapamamalagi sa isang kaluwalhatiang selestiyal, D at T 88:15–22. Sa selestiyal na kaluwalhatian ay may tatlong kalangitan; ibinigay ang mga batayan upang makamtan ang pinakamataas, D at T 131:1–2. Ang mga batang namamatay bago sumapit sa gulang ng pananagutan ay ligtas sa kahariang selestiyal, D at T 137:10.