Mabigat na Kaparusahan Tingnan din sa Pagpaslang Parusang kamatayan para sa kasalanang nagawa, na higit na iniuugnay sa kaparusahan na sanhi ng pagpaslang. Sinuman ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo rin ang kanyang dugo, Gen. 9:6 (PJS, Gen. 9:12–13). Ang mamamatay-tao ay tiyak na papatayin, Blg. 35:16. Ang mga mamamatay-taong pumapatay nang sadya ay mamamatay, 2 Ne. 9:35. Ikaw ay hinahatulang mamatay alinsunod sa batas, Alma 1:13–14. Siya na pumapaslang ay pinarurusahan hanggang kamatayan, Alma 1:18. Hinihingi ng batas ang buhay niya na pumaslang, Alma 34:12. Siya na pumatay ay mamamatay, D at T 42:19.