Mosias, Ama ni Benjamin Tingnan din sa Benjamin, Ama ni Mosias; Zarahemla Sa Aklat ni Mormon, ang propetang Nephita na ginawang hari sa mga tao ng Zarahemla. Binalaan si Mosias na tumakas sa lupain ng Nephi, Omni 1:12. Kanyang natagpuan ang mga tao ng Zarahemla, Omni 1:14–15. Pinaturuan niya ang mga tao ng Zarahemla sa kanyang sariling wika, Omni 1:18. Siya ay hinirang na hari ng mga nagkakaisang tao, Omni 1:19. Ang kanyang anak na si Benjamin, ang naghari nang siya ay mamatay, Omni 1:23.