Kasigasigan Hindi pabagu-bago, magiting na pagsusumikap, lalung-lalo na sa paglilingkod sa Panginoon at sa pagsunod sa kanyang salita. Buong sigasig na pakinggan ninyo ako, Is. 55:2. Ang Diyos ang siyang tagapagbigay ganti sa kanila na buong sigasig siyang hinahanap, Heb. 11:6. Sa pagbibigay ng buong pagsusumigasig, idagdag sa inyong pananampalataya ang kagalingan, 2 Ped. 1:5. Ituro ang salita ng Diyos ng buong sigasig, Jac. 1:19. Sinaliksik nila ang mga banal na kasulatan ng buong sigasig, Alma 17:2. Sila ay handa lakip ang buong pagsusumigasig na sundin ang mga kautusan, 3 Ne. 6:14. Tayo ay masigasig na magpagal, Moro. 9:6. Maging sabik sa paggawa ng mabuti, D at T 58:27. Ni maging tamad bagkus ay gumawa ng inyong buong lakas, D at T 75:3. Makinig na mabuti sa mga salita ng buhay na walang hanggan, D at T 84:43. Ang bawat tao ay matuto ng kanyang tungkulin at kumilos ng buong sigasig, D at T 107:99.