Mga Tulong sa Pag-aaral
Lucas


Lucas

Ang may-akda ng Ebanghelyo ni Lucas at ng aklat ng Mga Gawa sa Bagong Tipan at misyonerong katuwang ni Pablo. Siya ay isinilang sa mga Griyegong magulang at nagsanay ng panggagamot (Col. 4:14). Si Lucas ay may mataas na pinag-aralan. Ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang katuwang ng Apostol na si Pablo nang sumama siya kay Pablo sa Troas (Gawa 16:10–11). Si Lucas ay kasama rin ni Pablo sa Filipos sa huling paglalakbay ni Pablo sa Jerusalem (Gawa 20:6), at ang dalawa ay magkasama hanggang sa dumating sila sa Roma. Si Lucas ay kasama rin ni Pablo sa kanyang ikalawang pagkabilanggo sa Roma (2 Tim. 4:11). Sinasabi ng tradisyon na siya ay namatay na martir.

Ang Ebanghelyo ni Lucas

Isang ulat na isinulat ni Lucas tungkol kay Jesucristo at sa kanyang ministeryo sa buhay na ito. Ang aklat na Mga Gawa ng mga Apostol ay isang pagpapatuloy ng Ebanghelyo ni Lucas. Si Lucas ay nag-iwan ng isang mainam na isinulat na ulat ng ministeryo ni Jesus, na nagpapakilala kay Jesus bilang Tagapagligtas ng kapwa mga Judio at Gentil. Marami siyang isinulat tungkol sa mga turo at gawain ni Jesus. Sa Lucas lamang natin makukuha ang ulat tungkol sa pagdalaw ni Gabriel kina Zacarias at Maria (Lu. 1); ang pagdalaw ng mga pastol sa sanggol na si Jesus (Lu. 2:8–18); si Jesus sa templo sa gulang na labindalawa (Lu. 2:41–52); ang inatasan at isinugong pitumpu (Lu. 10:1–24); si Jesus na pinagpawisan ng dugo (Lu. 22:44); ang pakikipag-usap ni Jesus sa magnanakaw sa krus (Lu. 23:39–43); at si Jesus na kumakain ng isda at pulot-pukyutan pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na mag-uli (Lu. 24:42–43).

Para sa buod ng kabanata, Tingnan sa “Ebanghelyo, Mga.”