Marsh, Thomas B.
Ang unang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol matapos ang panunumbalik ng Simbahan noong 1830. Kanyang hinawakan ang mga susi ng kaharian na nauukol sa Labindalawa (D at T 112:16) at, noong 1838, ay inutusan sa pamamagitan ng paghahayag na ilathala ang salita ng Panginoon (D at T 118:2). Ang bahagi 31 ng Doktrina at mga Tipan ay para sa kanya. Si Marsh ay itiniwalag sa Simbahan noong 1839 ngunit muling bininyagan noong Hulyo 1857.