Mga Tulong sa Pag-aaral
Talaangkanan


Talaangkanan

Isang talaang tumatalunton sa kanunu-nunuan ng isang mag-anak. Kung saan ang mga tungkulin ng pagkasaserdote o mga biyayang itinakda lamang para sa isang mag-anak, mahalagang-mahalaga ang mga talaangkanan sa mga banal na kasulatan (Gen. 5;10; 25; 46; 1 Cron. 1–9; Ezra 2:61–62; Neh. 7:63–64; Mat. 1:1–17; Lu. 3:23–38; 1 Ne. 3:1–4; 5:14–19; Jar. 1:1–2). Sa pinanumbalik na Simbahan ngayon, ipinagpapatuloy ng mga kasapi ng Simbahan na taluntunin ang kanilang mga kanunu-nunuan, kasama ang pagkilala sa mga namatay na mga ninuno upang maisagawa nila ang makapagliligtas na mga ordenansa alang-alang sa kanilang mga ninuno. Mabisa ang mga ordenansang ito sa mga yaong taong patay na na tinanggap ang ebanghelyo ni Jesucristo sa daigdig ng mga espiritu (D at T 127, 128).