Wika, Kaloob na mga Tingnan din sa Dila; Kaloob ng Espiritu, Mga Isang kaloob ng Espiritu Santo na nagpapahintulot sa taong nabigyan-inspirasyon upang magsalita, umunawa, o magpaliwanag ng mga di kilalang wika. Naniniwala kami sa kaloob na mga wika (S ng P 1:7). Napuspos silang lahat ng Espiritu Santo, at nagsimulang mangusap ng iba’t ibang wika, Gawa 2:4. Siya na nagsasalita sa isang di kilalang wika ay hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa Diyos, 1 Cor. 14:1–5, 27–28. Ang mga wika ay pinakatanda sa kanila na hindi naniniwala, 1 Cor. 14:22–28. Pagkatapos darating ang pagbibinyag ng apoy at ng Espiritu Santo; at pagkatapos kayo ay makapagsasalita ng wika ng mga anghel, 2 Ne. 31:13-14. Hinikayat ni Amaleki ang lahat ng tao na maniwala sa kaloob na pagsasalita ng mga wika, Omni 1:25. Ipinagkakaloob sa iba na makapagsalita ng mga wika; at sa iba ang pagpapakahulugan sa mga wika, D at T 46:24–25 (1 Cor. 12:10; Moro. 10:8, 15–16). Mabuhos ang kaloob na mga wika, D at T 109:36.