Nakatatandang Alma Isang propetang Nephita sa Aklat ni Mormon na siyang nagtatag ng Simbahan noong kapanahunan ng masamang haring si Noe. Noon ay isang saserdote ng masamang haring si Noe at isang inapo ni Nephi, Mos. 17:1–2. Matapos mapakinggan at paniwalaan si Abinadi ay pinagtabuyan ng hari. Siya ay tumakas, nagtago, at isinulat ang mga salita ni Abinadi, Mos. 17:3–4. Nagsisi at itinuro ang mga salita ni Abinadi, Mos. 18:1. Nagbinyag sa mga tubig ng Mormon, Mos. 18:12–16. Nagtatag ng Simbahan, Mos. 18:17–29. Dumating na kasama ang kanyang mga tao sa Zarahemla, Mos. 24:25. Binigyan ng karapatan sa Simbahan, Mos. 26:8. Humatol at namuno sa Simbahan, Mos. 26:34–39. Iginawad ang katungkulan ng mataas na saserdote sa kanyang anak, Alma 4:4 (Mos.29:42; Alma 5:3).