Sinai, Bundok ng
Isang bundok sa Peninsula ng Sinai, malapit kung saan si Moises at ang mga Israelita ay nagkampo ng tatlong buwan matapos ang kanilang paglisan sa Egipto; tinatawag din itong Bundok ng Horeb (Ex. 3:1). Dito ibinigay ng Diyos ang kanyang mga batas kay Moises para sa sambahayan ni Israel; dito rin itinayo ang tabernakulo (Ex. 19:2; 20:18; 24:12; 32:15).