Josue
Isang propeta at pinuno sa Lumang Tipan, at ang kahalili ni Moises. Ipinanganak siya sa Egipto bago tumakas ang mga anak ni Israel (Blg. 14:26–31). Siya at si Caleb ay kabilang sa labindalawang tiktik na pinatungo sa Canaan. Sila lamang ang nagbigay ng magandang ulat tungkol sa lupain (Blg. 13:8, 17–33; 14:1–10). Namatay siya sa gulang na 110 (Jos. 24:29). Si Josue ay isang dakilang halimbawa ng isang banal na propetang-mandirigma.
Ang aklat ni Josue
Ang aklat na ito ay ipinangalan kay Josue dahil siya ang pangunahing tauhan dito at hindi dahil siya ang may-akda. Ayon sa kaugalian ng mga Judio, isinulat ni Jeremias ang aklat ni Josue, mula sa mga naunang mga tala. Inilalarawan sa mga kabanata 1–12 ang pagkakasakop sa Canaan; nasasaad sa mga kabanata 13–24 ang tungkol sa paghahati ng mga lipi ni Israel sa lupain at ng mga huling payo ni Josue.
Dalawang bantog na talata sa aklat ni Josue ang utos ng Panginoon sa kanya na pagmuni-munihin ang mga banal na kasulatan (Jos. 1:8) at ang panawagan ni Josue sa mga tao na maging matapat sa Panginoon (Jos. 24:15).