Patalinghaga, si Jesucristo at ang kanyang ebanghelyo, na isang matatag na saligan at tukuran (D at T 11:24 ; 33:12–13 ). Ang bato ay maaari ring tumukoy sa paghahayag, na pamamaraan ng Diyos upang ipaalam ang kanyang ebanghelyo sa tao (Mat. 16:15–18 ).
Siya ang bato, ang kanyang gawa ay sakdal, Deut. 32:4 .
Ang Panginoon ay aking malaking bato; sa kanya ako’y manganganlong, 2 Sam. 22:2–3 .
May natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, Dan. 2:34–35 .
Siya na nakatayo sa malaking bato ay tumatanggap ng katotohanan, 2Â Ne. 28:28 .
Itatakwil ng mga Judio ang bato (si Cristo) kung saan sila makapagtatayo, Jac. 4:15–17 .
Dito sa ibabaw ng bato ng ating Manunubos dapat tayong magtayo ng ating saligan, Hel. 5:12 .
Ang bawat nagtatayo sa mga doktrina ni Cristo ay natatayo sa ibabaw ng kanyang bato at hindi babagsak sa pagdating ng baha, 3 Ne. 11:39–40 (Mat. 7:24–27 ; 3 Ne. 18:12–13 ).
Ang matalinong tao ay nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng isang malaking bato, 3Â Ne. 14:24 .
Kung kayo ay itinayo sa aking bato, ang mundo at impiyerno ay hindi mananaig, D at T 6:34 .
Siya na nakatayo sa ibabaw ng batong ito ay hindi kailanman babagsak, D at T 50:44 .