Mga Tulong sa Pag-aaral
Batas ni Moises, Mga


Batas ni Moises, Mga

Nagbigay ang Diyos ng mga batas sa pamamagitan ni Moises sa sambahayan ni Israel upang mapalitan ang mas mataas na batas na hindi nila nasunod (Ex. 34; PJS, Ex. 34:1–2; PJS, Deut. 10:2). Ang mga batas ni Moises ay binubuo ng maraming alituntunin, tagubilin, seremonya, rituwal, at mga simbolo na magpapaalaala sa mga tao sa kanilang mga tungkulin at pananagutan. Lakip nito ang isang batas moral, etikal, pangrelihiyon, at pisikal na mga kautusan at pagsasagawa—kabilang ang mga paghahain (Lev. 1–7)—na inilaan upang maalaala nila ang Diyos at ang kanilang tungkulin sa kanya (Mos. 13:30). Ang pananampalataya, pagsisisi, pagbibinyag sa tubig, at kapatawaran ng kasalanan ay bahagi ng batas, gayon din ang Sampung Kautusan at marami pang ibang kautusan na may mataas na etikal at moral na kahalagahan. Marami sa mga batas na pangseremonya ang natupad sa kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo, na nagtapos ng Phahain sa pamamagitan ng pagbubuhos ng dugo (Alma 34:13–14). Ang mga batas ay isinasagawa sa ilalim ng Pagkasaserdoteng Aaron at ito ay panimulang ebanghelyo upang dalhin ang mga sumusunod dito kay Cristo.