Kayumian Tingnan din sa Mapagpakumbaba, Pagpapakumbaba Gawi o anyo na mapagpakumbaba, mainam, at di masagwa. Ang isang mabining tao ay umiiwas sa mga kalabisan at pagkukunwari. Ang Diyos ay gumawa ng mga kasuotang balat, at dinamitan sina Adan at Eva, Gen. 3:21 (Moi. 4:27). Ang mga babae ay nagsigayak ng mahinhing damit, 1 Tim. 2:9. Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasikap sa bahay, Tit. 2:5. Marami ang iniangat sa kapalaluan dahil sa kamahalan ng kanilang mga pananamit, Jac. 2:13. Hayaang maging payak ang inyong mga kasuotan, D at T 42:40. Kami ay naniniwala sa pagiging malinis at marangal, S ng P 1:13.