Pakikipagkapatiran Tingnan din sa Pagkakaisa; Pagmamahal Sa Mga Banal sa mga Huling Araw, kasama sa pakikipagkapatiran ang paghahandog ng magiliw na pagsasamahan, paglilingkod, pagpapasigla, at pagpapalakas ng kapwa. Ibigin ang inyong kapwa gaya ng sa inyong sarili, Lev. 19:18 (Mat. 19:19; D at T 59:6). Kapag ikaw nagbalik-loob, papagtibayin ang iyong mga kapatid, Lu. 22:32. Kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa, kayo ay aking mga disipulo, Juan 13:35. Pakainin ang aking mga tupa, Juan 21:15–17. Nanalangin sila na pangasiwaan namin ang pakikipagkapatiran ng paglilingkod sa mga Banal, 2 Cor. 8:1–5. Ang aming pakikipagkapatiran ay sa Ama, at sa kanyang Anak, 1 Juan 1:3. Nakipagkapatiran ang mga Nephita at Lamanita sa isa’t isa, Hel. 6:3. Pahalagahan ng tao ang kanyang kapatid gaya ng kanyang sarili, D at T 38:24–25. Kung hindi kayo isa kayo ay hindi sa akin, D at T 38:27. Tinatanggap kita upang makipagkapatiran upang iyong maging kaibigan at kapatid, D at T 88:133.