Moab
Isang lupain sa panahon ng Lumang Tipan na matatagpuan sa silangang bahagi ng Patay na Dagat. Ang mga Moabita ay mga inapo ni Lot at may kaugnayan sa mga Israelita. Sila ay nagsasalita sa isang wika na katulad ng Hebreo. May patuloy na digmaang namamagitan sa mga Moabita at sa mga Israelita (Huk. 3:12–30; 11:17; 2 Sam. 8:2; 2 Hari 3:6–27; 2 Cron. 20:1–25; Is. 15).