Sinabi ng Panginoon na ang lahat ng tao ang mananagot sa sarili nilang mga hangarin, asal, naisin, at gawa.
Ang gulang ng pananagutan ang gulang kung kailan ang mga bata ay ipinalalagay na may pananagutan na sa kanilang mga gawa at may kakayahang makagawa ng kasalanan at magsisi.
Magbibigay-sulit sila sa bawat walang kabuluhang salita, Mat. 12:36 .
Magbigay-sulit ka sa pagiging katiwala, Lu. 16:2 .
Bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit ng kanyang sarili sa Diyos, Rom. 14:12 .
Hahatulan ang mga patay alinsunod sa kanilang mga gawa, Apoc. 20:12 .
Ang ating mga salita, gawa, at pag-iisip ang hahatol sa atin, Alma 12:14 .
Tayo ang sarili nating mga hukom, kung gagawa man ng mabuti o masama, Alma 41:7 .
Kayo ay pinahihintulutang kumilos para sa inyong sarili, Hel. 14:29–31 .
Ituro mo ang bagay na ito—pagsisisi at pagbibinyag sa mga yaong may pananagutan, Moro. 8:10 .
Kailangang magsisi at magpabinyag ang lahat ng yaong sumapit na sa gulang ng pananagutan, D at T 18:42 .
Hindi magagawang matukso ni Satanas ang maliliit na bata, hanggang sa sila ay magsimulang magkaroon ng pananagutan sa akin, D at T 29:46–47 .
Ang mga bata ay nararapat binyagan pagsapit ng walong taong gulang, D at T 68:27 .
Bawat tao ay managot sa sarili niyang mga kasalanan sa araw ng paghuhukom, D at T 101:78 .
Ibinigay sa tao na malaman ang mabuti sa masama, dahil dito sila ay malayang makapipili sa kanilang sarili, Moi. 6:56 .
Ang mga tao ay parurusahan dahil sa kanilang sariling mga kasalanan, S ng P 1:2 .