Mga Tulong sa Pag-aaral
Nabucodonosor


Nabucodonosor

Sa Lumang Tipan, ang hari ng Babilonia (604–561 B.C.) na lumupig sa Juda (2 Hari 24:1–4) at kumubkob sa Jerusalem (2 Hari 24:10–11). Ang propetang si Lehi ay inutusang lisanin ang Jerusalem noong mga 600 B.C. upang maiwasang madalang bihag sa Babilonia (1 Ne. 1:4–13) nang dalhin ni Nabucodonosor si Haring Zedekias at ang kanyang mga tao (2 Hari 25:1, 8–16, 20–22). Binigyang-kahulugan ni Daniel ang mga panaginip ni Nabucodonosor (Dan. 2; 4).