Armagedon
Ang pangalang Armagedon ay kinuha mula sa salitang Hebreo na Har Megiddo, na nangangahulugang “bundok ng Megiddo.” Ang lambak ng Megiddo ay nasa kanlurang bahagi ng mga kapatagan ng Esdraelon, na walumpung kilometro sa hilaga ng Jerusalem, at pook ng ilang madugong digmaan sa panahon ng Lumang Tipan. Ang malaki at huling labanang magaganap na malapit sa panahon ng ikalawang pagparito ng Panginoon ay tinatawag na digmaan sa Armagedon dahil sa magsisimula ito sa lugar ding yaon. (Tingnan sa Ez. 39:11; Zac. 12–14, lalo na ang 12:11; Apoc. 16:14–21.)