Ang manirahan magpakailanman bilang mga mag-anak sa kinaroroonan ng Diyos (D at T 132:19–20, 24, 55 ). Buhay na walang hanggan ang pinakadakilang handog ng Diyos sa tao.
Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan, Juan 6:68 .
Ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila, na iisang tunay na Diyos, at si Jesucristo, Juan 17:3 (D at T 132:24 ).
Makipagbaka ka nang mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan sa buhay na walang hanggan, 1Â Tim. 6:12 .
Ang mga tao ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan, 2Â Ne. 2:27 (Hel. 14:31 ).
Ang maging espirituwal sa kaisipan ay buhay na walang hanggan, 2Â Ne. 9:39 .
Pagkatapos, kayo ay nasa makitid na landas na patungo sa buhay na walang hanggan, 2 Ne. 31:17–20 .
Ang maniwala kay Cristo at magtiis hanggang wakas ay buhay na walang hanggan, 2Â Ne. 33:4 (3Â Ne. 15:9 ).
Siya na may buhay na walang hanggan ay mayaman, D at T 6:7 (D at T 11:7 ).
Ang buhay na walang hanggan ang pinakadakila sa lahat ng kaloob ng Diyos, D at T 14:7 (Rom. 6:23 ).
Ang mabubuti ay makatatanggap ng kapayapaan sa daigdig na ito, at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating, D at T 59:23 .
Magkakaroon ng putong ng buhay na walang hanggan ang mga yaong nagtiis hanggang wakas, D at T 66:12 (D at T 75:5 ).
Lahat ng namatay na walang kaalaman sa ebanghelyo na tatanggapin ang mga ito kung sila ay nabubuhay pa ay mga tagapagmana ng kahariang selestiyal, D at T 137:7–9 .
Ang gawain at kaluwalhatian ng Diyos ay isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao, Moi. 1:39 .
Ipinagkakaloob ng Diyos ang buhay na walang hanggan sa mga masunurin, Moi. 5:11 .