Mga Tulong sa Pag-aaral
Aklat ng Alaala


Aklat ng Alaala

Isang aklat na sinimulan ni Adan kung saan natatala ang mga gawain ng kanyang mga inapo; gayon din, anumang kahalintulad na mga talaan na iningatan ng mga propeta at matatapat na kasapi magmula ng panahong iyon. Nag-ingat si Adan at ang kanyang mga anak ng isang aklat ng alaala, kung saan sila sumulat sa pamamagitan ng diwa ng inspirasyon, at isang aklat ng mga salinlahi, na naglalaman ng talaangkanan (Moi. 6:5, 8). Ang gayong mga talaan ay maaaring magkaroon ng bahagi sa pag-alam ng ating magiging huling kahatulan.