Mga Tulong sa Pag-aaral
Amen


Amen

Ibig sabihin “siya nawa” o “gayon nga”. Ang Amen ay sinasabing nagpapakita ng buong puso o taimtim na pagtanggap at pagsang-ayon (Deut. 27:14–26) o katapatan (1 Hari 1:36). Ngayon sa pagtatapos ng mga panalangin, patotoo, at talumpati, yaong mga nakarinig sa panalangin o mensahe ay nagsasabi ng naririnig na amen bilang pagpapakita ng pagsang-ayon at pagtanggap.

Sa panahon ng Lumang Tipan, ang isang tao ay nagsasabi ng amen kapag nakikipagtipan (1 Cron. 16:7, 35–36; Neh. 5:13; 8:2–6). Si Cristo ay tinatawag na “Amen, ang tapat at tunay na saksi” (Apoc. 3:14). Ang Amen ay nagsisilbi ring tanda ng tipan sa paaralan ng mga propeta (D at T 88:133–135).