Makasalanan Tingnan din sa Kasalanan; Kawalang-katwiran, Hindi Matwid; Marumi, Karumihan; Masama, Kasamaan Isang tao o isang bagay na hindi naaayon sa kalooban o mga kautusan ng Diyos; masama at hindi banal. Ang lakad ng masasama ay mapapahamak, Awit 1:6. Kung ang mabubuti ay bahagya nang makaliligtas, saan kaya magsisiharap ang mga makasalanan? 1 Ped. 4:18. Pagkaitan ang inyong sarili ng lahat ng kasamaan, Moro. 10:32. Ang paghihiganti ay mabilis na darating sa mga makasalanan, D at T 97:22. Sa mga makasalanan, hindi maririnig ang tinig ng Tagapagligtas, D at T 138:20.