Mga Tulong sa Pag-aaral
Pagpapahid ng Langis


Pagpapahid ng Langis

Noong unang panahon, pinapahiran ng langis ng mga propeta ng Panginoon ang mga yaong may natatanging tungkuling gagampanan, tulad ni Aaron o ng mga saserdote o hari na mamamahala sa Israel. Sa Simbahan ngayon, ang pagpapahid ng langis ay pagpapatak ng isa o dalawang patak ng inilaang langis sa ulo ng isang tao bilang bahagi ng isang natatanging pagbabasbas. Magagawa lamang ito sa ilalim ng karapatan at kapangyarihan ng Pagkasaserdoteng Melquisedec. Pagkatapos ng Ppapahid ng langis, ang isang taong kumikilos sa ilalim ng karapatan ng yaon ding pagkasaserdote ang magbubuklod ng pagpapahid ng langis at nagbibigay ng natatanging pagbabasbas sa pinahiran.