Salapi Tingnan din sa Ikapu; Kamunduhan; Kayamanan; Limos, Paglilimos Mga sinsilyo, papel, katibayan, o mga bagay na ginagamit ng mga tao na pambayad sa mga ari-arian o paglilingkod. Ito minsan ay isang sagisag ng pagkamateryalismo. Kayo ay matutubos ng walang salapi, Is. 52:3. Ang Labindalawa ay pinagbilinang huwag magdala ng anuman sa kanilang paglalakbay, kahit sulat, kahit tinapay, kahit salapi, Mar. 6:8. Sinabi ni Pedro kay Simon na mangkukulam na ang kanyang salapi ay mapapahamak na kasama niya, Gawa 8:20. Ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan, 1 Tim. 6:10. Huwag gugulin ang salapi sa mga yaong walang kabuluhan, 2 Ne. 9:50–51 (Is. 55:1–2; 2 Ne. 26:25–27). Kung gagawa sila para sa pera, sila ay masasawi, 2 Ne. 26:31. Bago kayo maghangad ng mga kayamanan, hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos, Jac. 2:18–19. Ang mga simbahan ay magsasabi na dahil sa inyong salapi ay patatawarin ang inyong mga kasalanan, Morm. 8:32, 37. Siya na nagbibigay ng kanyang salapi para sa layunin ng Sion gayundin ay hindi mawawalan ng kanyang gantimpala, D at T 84:89–90.