Poot, Pagkapoot Tingnan din sa Alitan; Paghihiganti; Pagmamahal Ang poot ay isang matinding pagkamuhi sa isang tao o sa isang bagay. Ako, ang Diyos, ay dinadalaw ang katampalasanan ng mga ama sa mga anak ng mga yaong napopoot sa akin, Ex. 20:5. Ang anim na bagay na ito ang ipinagtatanim ng Panginoon, Kaw. 6:16. Hinahamak ng mangmang ang kanyang ina, Kaw. 15:20. Siya ay hinamak at itinakwil ng mga tao, Is. 53:3. Gumawa ng mabuti sa kanilang napopoot sa inyo, Mat. 5:44. Sapagkat kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa; o kaya’t magtatapat siya, at pawawalang halaga ang ikalawa, Mat. 6:24. Kayo ay kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan, Mat. 10:22. Bawat isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, Juan 3:20. Huwag hamakin ng sinuman ang iyong kabataan, 1 Tim. 4:12. Sapagkat sila ay mayayaman kanilang hinahamak ang mga maralita, 2 Ne. 9:30. Huwag hamakin ang mga paghahayag ng Diyos, Jac. 4:8. Mayroon silang walang hanggang pagkapoot sa amin, Jac. 7:24. Pinawalang kabuluhan ng mga tao ang mga payo ng Diyos, at ipinagwawalang-bahala ang kanyang mga salita, D at T 3:7. Kinamuhian ako at inusig dahil sa pagsasabi na nakakita ako ng pangitain, JS—K 1:25.