Isang kalagayan ng malaking kaligayahan na nagmumula sa mabuting pamumuhay. Ang layunin ng buhay na ito ay upang magkaroon ng kagalakan ang lahat ng tao (2 Ne. 2:22–25 ). Ang lubos na kagalakan ay magmumula lamang sa pamamagitan ni Jesucristo (Juan 15:11 ; D at T 93:33–34 ; 101:36 ).
Dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, Lu. 2:10 .
Walang makapag-aalis sa inyo ng inyong kagalakan, Juan 16:22 .
Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, Gal. 5:22 .
Pinuspos nito ang aking kaluluwa ng labis na kagalakan, 1Â Ne. 8:12 .
Ang tao ay gayon upang sila ay magkaroon ng kagalakan, 2Â Ne. 2:25 .
Ang kagalakan ng mabubuti ay malulubos magpakailanman, 2Â Ne. 9:18 .
Sila ay mananahanan kasama ng Diyos sa kalagayan ng walang katapusang kaligayahan, Mos. 2:41 .
Tatalikuran ko ang lahat ng aking pag-aari nang matanggap ko ang labis na kagalakang ito, Alma 22:15 .
Baka sakali ako ay maging isang kasangkapan sa mga kamay ng Diyos upang madala ang ilang kaluluwa sa pagsisisi, at ito ang aking kagalakan, Alma 29:9 .
Anong galak, at anong kagila-gilalas na liwanag ang namasdan ko, Alma 36:20 .
Pupuspusin ng aking Espiritu ang iyong kaluluwa ng kagalakan, D at T 11:13 .
Anong laki ng inyong magiging kagalakan kasama niya sa kaharian ng aking Ama, D at T 18:15–16 .
Sa daigdig na ito ang inyong kagalakan ay hindi lubos, subalit sa akin ang inyong kagalakan ay lubos, D at T 101:36 .