Huwad na Pagkasaserdote Mga taong nangangaral at nagpapanggap ng kanilang mga sarili na isang liwanag sa sanlibutan upang sila ay makinabang at papurihan ng sanlibutan; hindi nila hinahangad ang kapakanan ng Sion (2 Ne. 26:29). Pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos, hindi sa mahalay na kapakinabangan, 1 Ped. 5:2. Ang mga simbahang itinayo upang makinabang ay ibababa, 1 Ne. 22:23 (Morm. 8:32–41). Dahil sa mga huwad na pagkasaserdote at mga kasamaan, si Jesus ay ipapako, 2 Ne. 10:5. Kung ipatutupad ang huwad na pagkasaserdote sa mga taong ito, mangangahulugan ito ng lubusan nilang pagkalipol, Alma 1:12. Mapupuspos ang mga Gentil nang lahat ng uri ng mga huwad na pagkasaserdote, 3 Ne. 16:10.