Babala, Binalaan Tingnan din sa Magbantay, Mga Tagabantay Magbigay ng talastas o paunawang mag-ingat. Binabalaan at tinuturuan ng mga propeta, pinuno, at magulang ang iba na maging masunurin sa Panginoon at sa kanyang mga turo. Binalaan ni Jacob ang mga tao ni Nephi laban sa lahat ng uri ng kasalanan, Jac. 3:12. Ang tinig ng babala ay para sa lahat ng tao, D at T 1:4. Hayaan ang inyong pangangaral ay maging tinig ng babala, D at T 38:41. Ito ay araw ng babala, D at T 63:58. Bawat tao na nabigyan ng babala ay dapat balaan ang kanyang kapwa, D at T 88:81. Binigyang-babala ko kayo, at binabalaan kayo, sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo nitong salita ng karunungan, D at T 89:4.