Mga Tulong sa Pag-aaral
Abraham


Abraham

Anak ni Tera, isinilang sa Ur ng mga Caldeo (Gen. 11:26, 31; 17:5). Isang propeta ng Panginoon kung kanino gumawa ng mga walang hanggang tipan ang Panginoon, kung saan sa pamamagitan niyon ay pagpapalain ang lahat ng bansa sa mundo. Ang dating pangalan ni Abraham ay Abram.

Ang aklat ni Abraham

Mga sinaunang talaan na isinulat ni Abraham na napasapag-aari ng Simbahan noong 1835. Natagpuan ang mga talaan at ilang momiya sa mga katakumba sa Egipto ni Antonio Lebolo, na siyang naghabilin ng mga ito kay Michael Chandler. Itinanghal ang mga ito ni Chandler sa Estados Unidos noong 1835. Binili ang mga ito ng ilang mga kaibigan ni Joseph Smith kay Chandler at ibinigay sa Propeta, na siyang nagsalin nito. Matatagpuan ngayon ang ilan sa mga talaang ito sa Mahalagang Perlas.

Natatala sa kabanata 1 ang mga naging karanasan ni Abraham sa Ur ng mga Caldeo, kung saan nagtangka ang masasamang saserdote na ialay siya. Nasasaad sa kabanata 2 ang tungkol sa kanyang paglalakbay patungo sa Canaan. Ang Panginoon ay nagpakita sa kanya at nakipagtipan sa kanya. Natatala sa kabanata 3 na nakita ni Abraham ang sandaigdigan at naunawaan ang mga ugnayan sa pagitan ng mga bagay sa langit. Ang mga kabanata 4–5 ay naglalaman ng iba pang ulat tungkol sa Paglikha.

Ang binhi ni Abraham

Mga tao na, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at ordenansa ng ebanghelyo ni Jesucristo, ay makatatanggap sa mga pangako at tipang ginawa ng Diyos kay Abraham. Maaaring matanggap ng kalalakihan at kababaihan ang mga pagpapalang ito kung sila ay literal na mula sa lahi ni Abraham o kung sila ay kinupkop sa kanyang mag-anak sa pamamagitan ng pagtanggap sa ebanghelyo at pagpapabinyag (Gal. 3:26–29; 4:1–7; D at T 84:33–34; 103:17; 132:30–32; Abr. 2:9–11). Maaaring mawalan ng kanilang mga pagpapala ang mga literal na inapo ni Abraham sa pamamagitan ng pagsuway (Rom. 4:13; 9:6–8).