Mabuting Pastol Tingnan din sa Jesucristo Si Jesucristo ang Mabuting Pastol. Sa pagsasagisag, ang kanyang mga tagasunod ay tulad ng mga tupa na siyang binabantayan ni Jesus. Ang Panginoon ay aking pastol, Awit 23:1. Pakakainin niya ang kanyang kawan katulad ng isang pastol, Is. 40:11. Hahanapin ko ang aking tupa, Ez. 34:12. Ako ang mabuting pastol, Juan 10:14–15. Si Jesus ang siyang dakilang pastol ng mga tupa, Heb. 13:20. Bilang niya ang kanyang mga tupa at siya’y kilala nila, 1 Ne. 22:25. Ang mabuting pastol ay tumatawag sa inyo sa kanyang pangalan, na Cristo, Alma 5:38, 60. Magkakaroon ng isang kawan, at isang pastol, 3 Ne. 15:21 (Juan 10:16).