Ang tawagin ng Diyos ay ang tumanggap ng tungkulin o paanyaya mula sa kanya o sa kanyang may karapatang mga pinuno ng Simbahan upang maglingkod sa kanya sa natatanging paraan.
Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa kanya at tinagubilinan siya, Blg. 27:23 .
Inorden kitang propeta, Jer. 1:5 .
Kayo’y pinili ko at inorden kayo, Juan 15:16 .
Tinawag si Pablo na maging isang Apostol, Rom. 1:1 .
Walang sinuman ang makatatanggap ng karangalang ito sa kanyang sarili, kundi siya na tinawag ng Diyos, Heb. 5:4 .
Tinawag ng Diyos si Jesus alinsunod sa orden ni Melquisedec, Heb. 5:10 .
Ako ay tinawag upang ipangaral ang salita ng Diyos alinsunod sa diwa ng paghahayag at propesiya, Alma 8:24 .
Ang mga saserdote ay tinawag at inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig, Alma 13:3 .
Kung ikaw ay may naising maglingkod sa Diyos, ikaw ay tinatawag, D at T 4:3 .
Manatiling matatag sa gawain kung saan kita tinawag, D at T 9:14 .
Hindi mo dapat akalain na ikaw ay tinawag na mangaral hanggang sa ikaw ay tawagin, D at T 11:15 .
Ang mga elder ay tinawag upang maisakatuparan ang pagtitipon ng mga hinirang, D at T 29:7 .
Walang sinumang mangangaral ng aking ebanghelyo o magtatatag ng aking Simbahan maliban sa siya ay inordenan, D at T 42:11 .
Marami ang tinawag, subalit iilan ang napili, D at T 121:34 .