Sa Bagong Tipan, isang birhen na pinili ng Diyos Ama para maging ina ng Kanyang Anak sa laman. Matapos ang pagsilang ni Jesus, si Maria ay nagkaroon ng iba pang mga anak (Mar. 6:3 ).
Siya ay ipinagkasundong ikasal kay Jose, Mat. 1:18 (Lu. 1:27 ).
Si Jose ay sinabihang huwag hiwalayan si Maria o pakawalan siya sa kasunduang kasal, Mat. 1:18–25 .
Ang mga pantas na lalaki ay dumalaw kay Maria, Mat. 2:11 .
Sina Maria at Jose ay tumakas kasama ang batang si Jesus patungong Egipto, Mat. 2:13–14 .
Pagkamatay ni Herodes, ang mag-anak ay bumalik sa Nazaret, Mat. 2:19–23 .
Ang angel na si Gabriel ay dumalaw sa kanya, Lu. 1:26–38 .
Dinalaw niya si Elisabet, na kanyang pinsan, Lu. 1:36, 40–45 .
Si Maria ay nagbigay ng awit ng papuri sa Panginoon, Lu. 1:46–55 .
Si Maria ay nagtungo sa Betlehem kasama si Jose, Lu. 2:4–5 .
Si Maria ay nagsilang kay Jesus at inihiga siya sa isang sabsaban, Lu. 2:7 .
Ang mga pastol ay nagtungo sa Betlehem upang dalawin ang sanggol na si Cristo, Lu. 2:16–20 .
Isinama nina Maria at Jose si Jesus sa templo sa Jerusalem, Lu. 2:21–38 .
Isinama nina Maria at Jose si Jesus sa Paskua, Lu. 2:41–52 .
Si Maria ay nasa kasalan sa Cana, Juan 2:2–5 .
Ang Tagapagligtas, habang nasa krus, ay hiniling kay Juan na alagaan ang kanyang ina, Juan 19:25–27 .
Kasama si Maria ng mga Apostol matapos umakyat si Jesus sa langit, Gawa 1:14 .
Si Maria ay isang birhen, pinakamaganda at kaaya-aya sa lahat ng iba pang birhen, 1 Ne. 11:13–20 .
Ang ina ni Cristo ay tatawaging Maria, Mos. 3:8 .
Si Maria ay isang birhen, isang natatangi at piling tagapaglingkod, Alma 7:10 .