Mga Tulong sa Pag-aaral
Simeon


Simeon

Sa Lumang Tipan, ang pangalawang anak ni Jacob at ng kanyang asawang si Lea (Gen. 29:33; 35:23; Ex. 1:2). Nakisama siya kay Levi sa pagpatay sa mga Sichemita (Gen. 34:25–31). Matatagpuan sa Genesis 49:5–7 ang propesiya ni Jacob tungkol kay Simeon.

Ang lipi ni Simeon

Kadalasang naninirahan na kasama ng lipi ni Juda ang lipi ni Simeon at sa loob ng mga hangganan ng kaharian ng Juda (Jos. 19:1–9; 1 Cron. 4:24–33). Nakiisa ang lipi ni Simeon kay Juda sa pakikidigma laban sa mga Canaanita (Huk. 1:3, 17). Di nagtagal nakiisa rin sila sa mga hukbo ni David (1 Cron. 12:25).