Mga Tulong sa Pag-aaral
Mormon, Propetang Nephita


Mormon, Propetang Nephita

Isang propetang Nephita, heneral sa militar, at isang taga-ingat ng talaan sa Aklat ni Mormon. Si Mormon ay nabuhay noong mga 311–385 A.D. (Morm. 1:2, 6; 6:5–6; 8:2–3). Siya ay isang pinuno ng militar halos buong buhay niya, simula sa edad na labinlima (Morm. 2:1–2; 3:8–12; 5:1; 8:2–3). Tinagubilinan ni Amaron si Mormon na ihanda ang kanyang sarili upang mapangasiwaan ang mga talaan at mapag-ingatan ang talaan (Morm. 1:2–5; 2:17–18). Matapos itala ang kasaysayan ng kanyang buong buhay, pinaikli ni Mormon ang malalaking lamina ni Nephi sa mga lamina ni Mormon. Pagkatapos ibinigay niya ang banal na talaan sa kanyang anak na si Moroni. Ang mga laminang ito ay bahagi ng talaan kung saan isinalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon.

Ang mga Salita ni Mormon

Isang maliit na aklat sa Aklat ni Mormon. Sa pagitan ng huling salita ni Amaleki sa Aklat ni Omni at unang salita sa Aklat ni Mosias, si Mormon, ang patnugot ng lahat ng talaan, ang gumawa ng maliit na pagsisingit na ito. (Tingnan “Ang Maikling Pagpapaliwanag Tungkol sa Aklat ni Mormon” sa harapan ng Aklat ni Mormon.)

Ang aklat ni Mormon

Isang hiwalay na aklat sa loob ng tomo ng banal na kasulatan na kilala bilang Aklat ni Mormon. Nasasaad sa mga kabanata 1–2 ang tungkol kay Amaron, isang propeta ng mga Nephita, nagtatagubilin kay Mormon kung kailan at saan makukuha ang mga lamina. Gayundin, ang malalaking digmaan ay nagsimula, at ang Tatlong Nephita ay kinuha dahil sa kasamaan ng mga tao. Nasasaad sa mga kabanata 3–4 ang tungkol sa pangangaral ng pagsisisi ni Mormon sa mga tao: ngunit sila ay manhid na, at mas matinding kasamaan ang umiral nang labis kaysa dati sa Israel. Natatala sa mga kabanata 5–6 ang huling labanan sa pagitan ng mga Nephita at ng mga Lamanita. Si Mormon ay napatay kasama ang marami ng bayang Nephita. Sa kabanata 7, bago siya mamatay, nanawagan si Mormon sa mga tao—noon at sa darating na panahon—na magsipagsisi. Iniulat sa mga kabanata 8–9 na sa dakong huli ang anak ni Mormon lamang, na si Moroni, ang natira. Itinala niya ang mga huling pangyayari ng kamatayan at pagkatay, kasama ang wakas ng mga taong Nephita, at sumulat ng isang pahatid para sa mga susunod na salinlahi at para sa mga makababasa ng talaang ito.