Ama, Mortal na Tingnan din sa Mag-anak; Magulang, Mga; Patriyarka, Patriyarkal; Patriyarkal na Pagbabasbas, Mga Isang katawagang banal na tumutukoy sa isang taong nagsilang o nagkupkop ng isang bata nang alinsunod sa batas. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, Ex. 20:12 (Deut. 5:16; Mat. 19:19; Mos. 13:20). Tutuwirin ng isang ama ang isang anak na kanyang minamahal, Kaw. 3:12. Mga ama, huwag ninyong ibuyo sa kagalitan ang inyong mga anak, Ef. 6:1–4. Naturuan ako ng lahat halos ng karunungan ng aking ama, 1 Ne. 1:1. Makatarungang tao ang aking ama—sapagkat tinuruan niya ako, Enos 1:1. Nanalangin si Alma para sa kanyang anak, Mos. 27:14. Nagbigay si Alma ng mga kautusan sa kanyang mga anak, Alma 36–42. Pinangalanan ni Helaman ang kanyang mga anak alinsunod sa pangalan ng kanilang mga ninuno, Hel. 5:5–12. Laging inaalaala ni Mormon ang kanyang anak sa kanyang mga panalangin, Moro. 8:2–3. Maaaring hingin ang mahahalagang bagay sa kamay ng mga ama, D at T 29:48. Tungkulin ng bawat tao na tustusan ang kanyang sariling mag-anak, D at T 75:28. Inutusan niya ako na magtungo sa aking ama, JS—K 1:49.