Mga Tulong sa Pag-aaral
Lumang Tipan


Lumang Tipan

Mga isinulat ng mga unang propeta na nagsagawa sa ilalim ng impluwensiya ng Banal na Espiritu at sa mahigit sa maraming daang taon ay nagpatotoo hinggil kay Cristo at sa kanyang darating na pagmiministeryo. Naglalaman din ito ng talaan ng kasaysayan ni Abraham at ng kanyang mga inapo, simula kay Abraham, at sa kasunduan, o tipan, na ginawa ng Panginoon kay Abraham at sa kanyang angkan.

Ang unang limang aklat ng Lumang Tipan ay isinulat ni Moises. Ang mga ito ay Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang, at Deuteronomio. Binabanggit sa Genesis ang pinagmulan ng mundo, sangkatauhan, mga wika, lahi, at ang simula ng sambahayan ni Israel.

Nasasaad sa mga makasaysayang aklat ang mga pangyayari sa Israel. Ang mga aklat na ito ay Josue, Mga Hukom, Ruth, 1 at 2 Samuel, 1 at 2 Mga Hari, 1 at 2 Mga Cronica, Ezra, Nehemias, at Esther.

Natatala sa mga matulaing aklat ang ilan sa karunungan at panitikan ng mga propeta. Ang mga ito ay Job, Mga Awit, Mga Kawikaan, Eclesiastes, Ang Awit ni Solomon, at Mga Panaghoy.

Binalaan ng mga propeta ang Israel sa kanyang mga kasalanan at nagpatotoo sa mga pagpapala na nanggaling sa pagsunod. Nagpropesiya sila sa pagparito ni Cristo, na siyang magbabayad-sala ng mga kasalanan ng mga yaong nagsisisi, tumatanggap ng mga ordenansa, at sinusunod ang ebanghelyo. Ang mga aklat ng mga propeta ay Isaias, Jeremias, Ezekiel, Daniel, Oseas, Joel, Amos, Obadias, Jonas, Mikas, Nahum, Habacuc, Zefanias, Hagai, Zacarias, at Malakias.

Karamihan sa mga aklat sa Lumang Tipan ay isinulat sa wikang Hebreo. Naglalaman ang ilang mga kasulatan ng Aramaic.