Mga Tulong sa Pag-aaral
Langit


Langit

May dalawang pangunahing kahulugan ang katagang langit sa mga banal na kasulatan. (1) Ito ang pook kung saan nananahan ang Diyos at ang magiging tahanan ng mga Banal sa darating na panahon (Gen. 28:12; Awit 11:4; Mat. 6:9). (2) Ito ang kalawakan na nakapaligid sa mundo (Gen. 1:1, 17; Ex. 24:10). Ang langit ay maliwanag na hindi paraiso, na pansamantalang pook para sa matatapat na espiritu ng mga yaong nabuhay at namatay sa mundong ito. Dinalaw ni Jesus ang paraiso matapos ang kanyang kamatayan sa krus, subalit sa ikatlong araw, ipinaalam niya kay Maria na hindi pa siya nakaparoroon sa Ama (Lu. 23:39–44; Juan 20:17; D at T 138:11–37).