Ninive Tingnan din sa Asiria; Jonas Sa Lumang Tipan, ang kabisera ng Asiria at sa mahigit na dalawang daang taon ay isang malaking sentro ng kalakalan sa silangang baybayin ng ilog Tigris. Bumagsak ito sa pagkatalo ng imperyo ng Asiria, 606 B.C. Si Sennacherib, ang hari ng Asiria, ay nanirahan sa Ninive, 2 Hari 19:36. Si Jonas ay isinugo upang manawagan sa bayan na magsisi, Jon. 1:1–2 (Jon. 3:1–4). Ang mga tao sa Ninive ay nagsipagsisi, Jon. 3:5–10. Ginamit ni Cristo sa mga Judio ang Ninive bilang halimbawa ng pagsisi, Mat. 12:41.