Mga Tulong sa Pag-aaral
Samaritano, Mga


Samaritano, Mga

Mga sinaunang tao sa Biblia na nanirahan sa Samaria matapos sakupin ng mga taga-Asiria ang hilagang kaharian ng Israel. Bahagyang Israelita at bahagyang Gentil ang mga Samaritano. Ang kanilang relihiyon ay pinaghalong mga paniniwala at kaugalian ng Judio at pagano. Ang parabula ng mabuting Samaritano sa Lucas 10:25–37 ay nagpapakita ng pagkamuhing nabuo sa mga Judio para sa mga Samaritano dahil ang mga Samaritano ay tumalikod mula sa relihiyon ng Israelita. Inatasan ng Panginoon ang mga Apostol na magturo ng ebanghelyo sa mga Samaritano (Gawa 1:6–8). Matagumpay na nangaral ng ebanghelyo ni Cristo si Felipe sa mga tao ng Samaria at nagsagawa ng maraming himala sa gitna nila (Gawa 8:5–39).